NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga special non-working days sa tatlong bayan sa Misamis Oriental, Negros Oriental at Zamboanga Sibugay.
Batay sa Proclamation 945, idineklara ang isang special holiday sa Munisipalidad ng Magsaysay sa Misamis Oriental noong Hulyo 1, Martes bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Inanunsyo ng Proclamation 946 ang Hulyo 14, Lunes bilang isang espesyal na araw na walang pasok sa Lungsod ng Guihulngan sa Negros Oriental upang ipagdiwang ang anibersaryo ng charter .
At nakasaad din ang Proclamation 947 ng Hulyo 26, Sabado bilang isang espesyal na holiday sa Munisipyo ng Ipil sa Lalawigan ng Zamboanga Sibugay bilang pagdiriwang ng ika-76 na Araw ng Ipil.
Ang mga proklamasyon, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hunyo 23, ay nakasaad na ” nararapat na mabigyan ng pagkakataon ang mga tao na makilahok sa okasyon at magsaya sa pagdiriwang.”
