NASABAT ang Php6,800,000,00 halaga ng shabu sa dalawang suspek habang nakatakas ang isa na mga tinaguriang high-value drug personalitie sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Marcelo Green, Parañaque City nitong Hulyo 11, 2025 bandang 3:10 ng hapon.
Naaresto ang mga suspek na sina alias Arsad, 36, binata, transport network vehicle driver, residente ng Barangay 79, Pasay City; alias Lovely Impal, 47, online seller na residente ng Barangay Marcelo Green, Parañaque City; habang si alias Sawi ay kasalukuyang pinaghahanap pa ng pinagsamang pwersa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1, PDEA National Capital Region-RSET 1, at PNP PDEG SOU NCR.
Nasamsam sa operasyon ang humigit kumulang na isang kilo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang Php6,800,000,00 at buy-bust money .
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.
