IPINABABATID sa publiko ng Quezon City Government na magkakaroon ng pipeline rehabilitation ang Maynilad at kontraktor sa kahabaan ng Payatas Road.
Isasagawa ang operasyon tuwing 10:00 PM hanggang 5:00 AM upang maiwasan ang matinding pagsisikip ng trapiko.
Tatagal ng ilang buwang ang nasabing proyekto kaya naman asahan na rin ang mabagal na daloy ng sasakyan sa mga oras ng konstruksyon.
Nananatiling nakaantabay ang lokal na pamahalaan, katuwang ang Barangay Commonwealth, Maynilad at ang contractor ng proyekto upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maayos na daloy ng trapiko habang isinasagawa ang rehabilitasyon.
Pinapayuhan ang mga motorista na magplano ng kanilang biyahe nang mas maaga, iwasan ang apektadong bahagi kung maaari.
