Photo from Baguio CDRRMC
NADUROG ang isang bahay at isang kotse na pumatay sa isang aso makarang magulungan ng napakalaking bato mula sa tuktok ng bundok sa bahagi ng kalsada sa Camp 7 kenon Road nagyong 1:15 p.m. ng Sabado, Hulyo 19, 2025.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer Charles Bryan Carame wala namang nasakatan o nasawi sa nasabing insidente na sanhi ng pasulput-sulpot na malakas na pag-ulan na dala ng Severe Tropical Storm “Crising”.
Walang aniyang tao sa bahay o sasakyan nang mangyari ang insidente.
Agad rin aniyang nakalikas at nasa ligtas na lugar ang mga pamilyang umuokupa sa bahay dahil sa bagyo maging ang sasakyang nakaparada sa paligid.
Gayunpaman, iniulat ng Camp 7 barangay na isang aso, isang exotic bully, ang namatay sa insidente.
Sinabi ng barangay na may monitoring area sila ngayon.
Bukod sa CDRRMO at mga opisyal ng barangay, nirespondehan din ng Baguio City District Engineering Office ang insidente.
Ang kaso ay isinangguni sa Office of the City Social Welfare and Development Office para sa agarang tulong sa mga apektadong may-ari ng ari-arian.
Samantala, nanatiling sarado ang Kennon Road hanggang alas-4 ng hapon. dahil sa patuloy na pagguho ng mga bato , ayon sa Dept. of Public Works and Highways Cordillera.
