ORIENTAL Mindoro- UMABOT sa 150 senior citizens ang nabiyayaan Financial Incentive Program for Qualified Senior Citizens ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 31, 2025.
Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang pamamahagi ng insentibo sa mamamayan ng Barangay Marfrancisco, bayan ng Pinamalayan .
Sinabi ni Governor Dolor sa kanyang mga kababayan, “Mapalad po tayo sa Oriental Mindoro sapagka’t tayo ay isa lamang sa iilang lugar sa buong bansa na may ganitong insentibo” .
