NAGBABALA ang lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon hinggil sa pagdami ng mga batang tinamaan ng Hand, Foot, and Mouth Disease .
Base sa datos na inilabas ng Quezon City Epidemiology & Surveillance Division mula Enero 1 hanggang September 8, 2025 ay umabot na sa 600 ang tinamaan ng kaso ng HFMD sa naturang lungsod.
Mas mataas ito ng 722% kumpara sa kaso noong 2024 sa parehong panahon.
Ang HFMD ay isang nakakahawang sakit na pinaka-nakaaapekto sa mga batang edad 6 na taon pababa.
