
PATAY ang pitong mangingisda noong Martes nang lumubog ang isang sasakyang pangisda sa Santa Ana, Cagayan sa pananalasa ng Super Typhoon “Nando.”
Anim pa ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sinabi ng PCG na ang 13 tripulante ay nasa isang fishing venture at sisilong sana sa isang anchorage area nang hampasin sila ng malakas na hangin at malalaking alon na naging sanhi ng pagtaob ng bangka.
Ang mga nasawi ay nakulong sa engine area ng bangka.
Nahawakan ng iba pang mangingisda ang lubid ng bangka hanggang sa dumating ang rescue.
Nagpapagaling sa ospital ang mga nasagip na mangingisdang kinilalang sina Jayson Garcia, Glen Mansalapas, Jerrymar Quiap, Eric Altamarino, Jason Bago, at Ronaldo Roldan.