NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Biyernes ng gabi ng isang pagsabog sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island Region.
Sinabi ng Phivolcs na ang pagsabog ay naganap mula 8:05 p.m. at tumagal hanggang 8:08 p.m.
Ayon pa sa ahensya na ang pangyayari ay nagdulot ng isang bula – bulang pagsabog na tumaas ng 2,000 metro sa ibabaw ng bunganga bago lumipat pahilagang-silangan ayon sa naitala ng mga IP Camera sa Lower Masulog, Canlaon City observation station (VKLM).
Nakita ang mga pyroclastic density currents (PDCs) na bumababa sa timog upper slopes sa loob ng isang kilometro mula sa bunganga ng tuktok.
Kasunod ng pagsabog, nagbabala ang Phivolcs sa publiko sa posibleng pag-ulan ng abo at pag- daloy ng lahar.
Pinayuhan ang mga tao na lumayo sa 4-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ).
