PINALAYA ng Bureau of Corrections (Bucor) ang tinatayang nasa 484 Persons Deprived of Liberty’s (PDLs) sa sa kanilang ika 31- Correctional Conciousness Week mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 27, 2025.
Bilang isang bagong simula para sa mga taong nagbabago , lumahok ang nasa 92 PDLs sa seremonya na nagmula sa iba’t-ibang bilangguan at penal farm.
Pinalaya na ang 192 na nagmula sa New Bilibid Prison , Correctional Institution for Women (CIW) – 26, Sablayan Prison and Penal Farm – 48, Iwahig Prison and Penal Farm – 78, Leyte Regional Prison – 27, Davao Prison and Penal Farm – 50, at San Ramon Prison and Penal Farm – 63.
Kabilang din sa mga napalaya ang 101 PDLs isa ng acquittal, 1 ang cash bond, 21 ang pinagkalooban ng probation, 16 ang habeas corpus, 37 ang parolado, at 308 ang nag-expire na sa maximum sentence sa piitan.
