NAGLAAN ang pamahalaan ng badyet na P1.2 bilyon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa emergency repatriation ngayong taong 2026 upang makapagbigay ng tulong sa mas maraming Pilipino sa ibang bansa ayon ito sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes.
Para sa taong ito, Bahagi ito ng badyet ng DMW ay may kabuuang PhP11.7 bilyon badyet para sa taong 2026.
Sinabi ni DMW Undersecretary Bernard Olalia sa isang press briefing sa Malacañang, “For OWWA, tumaas po iyong ating tinatawag na emergency repatriation to PhP1.286 billion for 2026 and mayroon tayong tinatawag na ‘Alagang OWWA’ na PhP942 million” .
“Iyong ‘Alagang OWWA’ natin part of those expenses will be for the Overseas Filipino Workers (OFW) caravans. Ito po iyong ginagawa nating serbisyo sa ating mga OFWs abroad na kung saan may whole-of-government approach tayo. Hindi bababa sa 15 ahensiya ang tumutulong para ilapit iyong government services para sa ating mga OFWs,” dagdag pa ni Olalia .
Ayon pa kay Olalia na noong Nobyembre 2025, natulungan ng mga caravan ang 63,161 OFWs sa ibang bansa, na katumbas ng 145,807 transaksyon ng gobyerno, partikular sa Middle East, Asia at Europe.
Ang pamahalaan ay kasalukuyang nagsasagawa ng mga caravan sa Dubai at Abu Dhabi sa United Arab Emirates, sa pangunguna nina DMW Secretary Hans Leo Cacdac at First Lady Lisa Araneta-Marcos.
Nakatanggap ang OWWA ng PhP4.2 bilyong alokasyon para sa 2026, isang pagtaas ng 26 porsyento mula sa PhP3.4 bilyong badyet noong nakaraang taon, ani Olalia.
Sa ilalim ng tulong sa pagpapauwi ng gobyerno, nagpaabot ng suporta ang DMW sa 3,723 OFW na nabiktima ng mga manloloko sa Cambodia at Myanmar.
