PORMAL nang tinanggap ang ikalawang impeachment complaint ni House Secretary General Cheloy Garafil laban kay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.na isinampa ng Makabayan bloc sa sa Kamara de Representantes sa Lunes, Enero 26, kaninang alas-10 ng umaga upang papanagutin ang mga nagkasala sa malawakang korapsyon ng flood control scandal.
Matatandaang nauna nang inihain ng Makabayan Coalition ang reklamong impeachment laban kay Pangulong Marcos kamakailan ngunit hindi ito tinanggap dahil wala umano sa bansa si House Secretary General Cheloy Garafil noong nakaraang Huwebes .
Kabilang sa reklamong inihain ng Makabayan ay nakasentro sa tatlong artikulo ng impeachment: institutionalizing systemic corruption and patronage, abuse of discretionary power over unprogrammed appropriations, and direct personal involvement in kickback schemes.
Nais lamang patunayan ang pagkakasangkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iskema ng katiwalian sa imprastraktura, naniniwala ang Makabayan Coalition na hindi kailangang tumingin sa labas ng sariling polisiya ng gobyerno.
Sa kanilang impeachment complaint, pangunahing tinutukan ng Makabayan ang pagkakaroon ng “BBM Parametric Formula” — isang patakaran ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nangangahulugang “Baselined-Balanced-Managed” na gumagamit ng inisyal ng pangulo kapag ginagamit ang kanyang palayaw na Bongbong.
Ayon sa Makabayan, ang BBM Parametric Formula ay “nagbigay ng katwiran para sa mga alokasyon ng proyektong imprastraktura ng Pangulo at Kongreso sa pambansang badyet” na umano’y “batayan para sa mga kickback o pangako.”
Nanawagan rin ang koalisyon kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III at sa pamunuan ng Kamara na isama ang reklamo ng impeachment sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain sa loob ng sampung araw ng sesyon na itinakda ng konstitusyon at i-refer ito sa tamang komite sa loob ng tatlong araw ng sesyon pagkatapos nito.
“
