NAGLATAG na ng contingency plan ang Department of Migrant Workers (DMW) para protektahan at tulungan ang mga Pinoy na handang ipatupad sakaling lumala ang mga kondisyon sa Middle East
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac , hindi nakinakailangan hintayin pang lumala gulo sa Middle East kaya’t agad na nagtipon na ang mga matataas na opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Economy, Planning and Development (DepDev) upang magkaisa at kumilos.
Kinumpirma ni DFA Undersecretary Ezzedin H. Tago na bukas na aktibo ang bawat diplomatic at communication channel sa Israel, Iran, at iba pang mga apektadong bansang .
Nilinaw ni DepDev Secretary Arsenio Balisacan na ang gobyerno ay tumitingin sa kabila ng agarang panganib at binigyang-diin na ang mabilis at koordinadong aksyon ay maaaring mapigilan ang pinsala.
Samantala, mariing sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na ang kaligtasan ng mga OFW ang pangunahing prayoridad ng gobyerno.
Inutusan niya ang DMW at OWWA na manatiling nangunguna sa krisis na ito at tiyaking makakatanggap ng tunay at agarang suporta ang mga Pilipino sa mga apektadong lugar, at hindi maiiwan ang kanilang mga pamilya sa kanilang mga tahanan nang walang tulong.
