APRUBADO na ng House Ways and Means Committee ang panukalang batas sa pagsasaalis ng travel tax sa mga Pilipinong pasaherong manlalakbay ng bansa.
Sinabi ng chairman ng Ways and Means Committee at Marikina 2nd District Representative Miro Quimbo, na siyang nagsusulong ng panukalang batas sa pag-alis ng travel tax na umabot sa 49-taong-gulang na batas kung saan ay papakinabangan ng milyun-milyong Pilipinong manlalakbay na karamihan ay mga kabataan at middle class.
“Hindi natin maaaring payagan na maging regressive ang ating sistema ng pagbubuwis—na ang pondo para sa mga mahahalagang programa ng gobyerno ay nanggagaling sa bulsa ng mga ordinaryong Pilipino na nagsisikap lamang makaahon sa buhay,” sabi pa ni Quimbo.
Ang Pilipinas ang natatanging bansa sa Timog-Silangang Asya na patuloy na nagpapataw ng travel tax kaya naman isa itong hakbang na prayoridad ng administrasyong Marcos sa pamamagitan ng kanyang anak na si House Majority Leader na si Ferdinand Alexander ”Sandro” Marcos.
