DUMATING na ang 317 Filipino mula Middle East lulan ng ika-tatlong chartered flight ng pamahalaan ngayong araw ng Huwebes, Marso 19, 2026.
Kabilang sa mga Pilipinong ligtas na nakauwi ay ang 153 OFWs kasama ang kanilang 114 dependents, at 50 stranded Filipino passengers, na piniling makauwi ng Pilipinas dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.
Ang kanilang pag-uwi ay naging matagumpay mula sa pagtutulungan ng Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Embassy in Abu Dhabi, Philippine Consulate General at Migrant Workers Office sa Dubai, at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ito ang ika-tatlong chartered flight ng pamahalaan na nagmula sa Dubai, UAE upang mas mapabilis ang tulong at pagpapauwi sa mga OFW na naiipit sa kaguluhan sa Middle East.
Sa kabuuan, mayroon ng 2,099 na mga OFW at kanilang mga dependent na rin ang nakauwi sa bansa sa ilalim ng whole-of-government repatriation effort simula noong Marso 5, 2026.
Lahat ng mga repatriated Filipinos ay nakatanggap ng immediate assistance at suporta mula sa whole-of-government team, kabilang ang DMW at OWWA na nag hatid ng financial at welfare assistance; medical assistance mula sa Department of Health (DOH); psychosocial support mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakaantabay din ang DMW para sa paghahatid ng kinakailangng reintegration support ng mga nakauwing OFW.
