HINDI sumipot si Vice -President Sara Duterte sa unang araw trial ng House Committee on Justice ng kamara ngayong araw ng Miyerkules .
Sinabi ng bise sa kanyang inilabas na pahayag na ang suliranin ng bayan ngayon ay ang nanganganib na magsara dahil sa taas ng presyo ng mga produkto .
Tinawag nitong “mini-trial “ lamang ang pagdinig at gagamitin lamang itong ikatlong fishing expedition laban sa kanya.
Wala naman aniyang patakaran na kinakailangn personal na dumalo ang respondent sa impeachment complaint sa mga pagdinig ng Committee on Justice .
Nagsumite na rin aniya siya ng sagot at wala ng dapat pang gawin ang komite Kundi ibasura ang malinaw na kakulangan ng mga reklamo dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Wala rin aniyang “jurisdiction” ang kamara sa pagsasagawa ng impeachment trial Kundi ang senado ang nararapat na magsagawa nito.
Samantala, ipapatawag naman ng komite ang dating chief of staff nito sa Deped at ngayon ay spokesperson na si Atty. Michael Poa upang ipaliwanag ang pinatunguhan ng confidential fund.
Maging ang nagpakilalang dating bagman umano nitong si Alex Madriaga na ngayon ay nasa BJMP dahil sa pagkakasangkot sa ibang kaso ay ipina- subpoena rin ng komite.
Inabot ng halos apat na oras ang pagdinig at muling itutuloy sa Abril 4.
