LUMAPAG ang ikaanim na chartered flight ng pamahalaan lulan ang 338 OFWs, dependents at mga stranded na Pinoy galing United Arab Emirates (UAE) pasado alas-3 hapon, Marso 29, 2026 sa Villamor Airbase, Pasay City.
Sinalubong ang mga nakauwi ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kasama ang Office of the President, Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Develipment (DSWD) upang magbigay ng tulong at serbisyo, ayon sa tagubilin ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na tikayin ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFW na naipit sa gulo sa Gitnang Silangan.
