NAKABALIK na sa Pilipinas ang tatlong daan at apatnapu’t limang (345) na mga Pilipinong apektado ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan. Lulan ng ikaapat na chartered repatriation flight na inilunsad ng Pamahalaan ng Pilipinas sa Abu Dhabi nitong Marso 28.
Sakay ng pitumpu’t apat (74) na mga stranded na turistang Pilipino, limampu’t walo (58) na bumibisitang dependent ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), kabilang ang mga matatanda, menor de edad, at mga buntis, at dalawang daan at anim (213) na mga Overseas Filipino Workers.
Kasama ng Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabiang ang Tanggapan ng mga Migrant Workers-Abu Dhabi, Tanggapan ng Depensa at Sandatahang Lakas ng Pilipinas (OPhil DAFA), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pinakabagong grupo ng mga repatriation ang eroplano na lulan ng mga repatriate mula sa UAE ay nakatakdang dumating sa Maynila sa hapon ng Linggo, ika-29 ng Marso.
Sa gabay ng One-Country Team Approach, ang Philippine Team sa Abu Dhabi ay nananatiling matatag sa pagtupad sa mandato nito na protektahan at itaguyod ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa UAE.
