TIKLO ang pitong indibidwal – kabilang ang isang Pinoy Rapper sa pagtatago ng ilegal na iba’t-ibang kalibre ng baril, bala at droga sa isinagawa ng Criminal investigation and Detection Group (CIDG) na Oplan Panlalansag Omega sa Brgy. Laging Handa, Diliman, Quezon City .
Ayon sa ulat na nakarating kay PMGen Robert AA Morico II, CIDG Director kinilala ang pitong naarestong mga lalaking suspek na sina alyas “Abi, Ryan, Mick, Roger, Leon, John”; at , babaneg si “Shee”, pawang nasa mga hustong gulang.
Base sa ulat , nagpatupad ang CIDG Regional Field Unit – National Capital Region ng Search Warrant nitong Abril 14 ng pasado alas-12 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa pitong indibidwal.
Natuklasan sa naturang lugar ang isang loose firearms—kalibre 9mm na pistol, isang magasin at mga bala.
Narekober din ng Team mula sa mga suspek ang labing-isang (11) cartridge na naglalaman ng pinaghihinalaang liquid marijuana, apat (4) na sealed transparent plastic na naglalaman ng pulbos na pinaghihinalaang “cocaine”, at mga kagamitan na naglalaman ng marijuana.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang pitong suspek .
Ang pagsasagawa ng Oplan Panlalansag Omega ay bilang bahagi ng programa ng Philippine National Police Chief Generral Melencio C nartatez Jr. upang upang mapanatili ang kampanya laban sa mga loose firearms, gunrunners, at mga gun-for-hire group sa buong bansa.
