KUMPISKADO ang tinatayang 20 toneladang expired na frozen meat sa Marikina City kung saan naaresto ang 12 indibidwal makaraang salakayin ang isang bodega sa Barangay Tañong,Marikina City.
Sa bisa ng isang search warrant kasama ang National Meat Inspection Service sinalakay ang nasabing bodega kung saan tumambad ang mga produktong frozen meat na lagpas na expiration date at hindi na ligtas kainin ng tao .
Isinagawang ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) at National Capital Region Police Office (NCRPO) nang matuklasang ang mga produktong maaaring magdulot ng malubhang panganib sa kalusugan, kabilang ang mga posibleng sakit na dala, kung sakaling nakarating ito sa merkado.
Kabilang sa mga naaresto ang mga trabahador pasilidad at mahaharap sa kasong paglabag sa food safety and meat inspection.
Pinuri ng Hepe ng PNP na si Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mga operating unit aniya, “Hindi natin hahayaang malagay sa panganib ang kalusugan ng ating mga kababayan. Ang klase ng operasyon ay patunay na seryoso ang PNP sa pagprotekta sa publiko laban sa mga hindi ligtas. We will continue to work closely with partner agencies to ensure that those responsible are held accountable, while maintaining fairness and due process”.
