NAKATAWID na sa Strait of Hormuz ang mga 59 sasakyang pandagat na may lulan ng 1,834 na Pilipinong tripulante mula Abril hanggang Mayo .
Sinubaybayan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga sasakyang-dagat na dumadaan sa Strait of Hormuz sa gitna ng patuloy na tensyon at tunggalian sa Gitnang Silangan, upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong marino.
Kabilang dito ang mga oil tanker, cargo ship, container vessel, at iba pang komersyal na sasakyang-pandagat na nag-ooperate sa loob ng rehiyon.
Mahigpit ring pinasusubaybayan ng kagawaran ang 17 pang barko na maaaring magtangkang tumawid sa Strait of Hormuz ngayon, Mayo 25, 2026 kung saan may sakay na halos 300 Pilipinong marino.
Samantala, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DMW sa mga kompanya ng pagpapadal ng mga lisensyadong ahensya ng manning, at mga kaugnay na ahensya ng gobyerno upang matiyak ang mga real-time na update, patuloy na komunikasyon, at agarang pagtugon kung kinakailangan.
