NAGLABAS ng abiso ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na susupindihin ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, araw ng Miyerkules, Mayo 27, 2026, na isang regular holiday, bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing regular at special non-working holidays.
Nagpaalala ang MMDA sa mga motorista na planuhing mabuti ang biyahe upang maiwasan ang anumang aberya at sumunod sa batas-trapiko .
