LIGTAS nang nakabalik -bansa ang dalawang Pilipinong tripulante habang tatlo pa ang ginagamot matapos magtamo ng mga paso sa katawan nang salakayin ng isang drone kanilang barkong may lamang langis na dumadaan sa Black Sea noong Hulyo 8, 2026.
Lulan ng Turkish Airlines Flight TK084 ang dalawang OFWs na lumapag sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City nitong Hulyo 15, 2026 ng gabi.
Sinalubong nina Department of Migrant Workers (DMW) OIC Assistant Secretary Augusto San Diego III, at mga kinatawan mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Manila International Airport Authority Medical Team, at Bureau of Immigration, sa pakikipagtulungan ng New NAIA Infrastructure Corporation.
Habang ang tatlong tripulante ay kasalukuyang ginagamot sa onshore medical facility matapos magtamo ng paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Base sa ulat ng ahensiya , ang tanker na M/V Blue ay naglalaman ng produktong langis na may bandila ng Cameroon, na may sakay na 18 Pilipinong tripulante.
Nasira sa pag-atake ang popa ng barko, kabilang ang propeller at engine room na nagdulot ng sunog .
Agad namang naapula ang apoy matapos ang insidente.
Ang dalawang marino ay nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa DMW at OWWA bago sila ibinigay sa kanilang manning agency.
Inatasan din ng DMW ang ahensya na tiyakin ang patuloy na medikal na paggamot at psychosocial support habang nagpapagaling ang mga marino mula sa kanilang mga pinsala.
