PINALAWIG ng Taiwan ang pribilehiyo ng mga Pilipino na makapasok nang walang visa hanggang Hulyo 31, 2027, ayon sa pahayag ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) nitong Biyernes.
Ayon sa TECO, ang pagpapalawig ay naaayon sa patuloy na pagbibigay ng Pilipinas ng libreng visa sa mga mamamayang Taiwanese.
“Bilang katumbas ng mga pribilehiyong walang visa na ipinagkaloob ng Pilipinas sa mga mamamayang Taiwanese, pinalawig din ng Taiwan ang libreng visa para sa mga may hawak ng pasaporte ng Pilipinas sa loob ng isa pang taon,” sabi nito sa isang pahayag.
“Inaasahan namin ang patuloy na paglago ng two-way travel sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas,” dagdag nito.
Sa ilalim ng programa, ang mga may hawak ng pasaporte ng Pilipinas ay maaaring makapasok sa Taiwan nang walang visa nang hanggang 14 na araw, at ang bagong pagpapalawig a y tatakbo mula Agosto 1, hanggang Hulyo 31, 2027.
