MULING nagpahayag ng suporta si Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Party-listRep. Harold Duterte kay Vice President Sara Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa gitna ng patuloy na impeachment proceedings sa senado.
Binigyang-diin ni Duterte ang matibay na track record ni VP Duterte sa gobyerno mula pa 2007, kasama ang mahigit 32 milyong boto na natanggap nito sa huling eleksyon — patunay umano ang tiwala ng sambayanan.
Patungkol naman sa kontrobersyal na video kasama si Mayor Baste na pinaguusapan bilang posibleng impeachable offense, aniya kung tunay ngang seryoso ang banta, may umiiral nang legal na proseso para dito — ang kasong kriminal. Ang hindi agarang paggamit sa mga ito, ayon sa kongresista ay nagtutulak sa mga tanong kung paano talaga sinuri ng mga institusyon ang isyu.
Idinagdag ni Duterte na kailangang tumuon din ang gobyerno sa mas agarang problema ng bansa tulad ng tumataas na presyo, kawalang-katiyakan sa ekonomiya, at pagbabalik ng tiwala ng publiko sa mga institusyon.
“Nagpadayon ko nga mobarog uban nila Vice President Sara Duterte ug Mayor Sebastian Duterte, nga adunay pagsalig nga ang kamatuoran, hustisya, ug balaod kinahanglan mopatigbabaw kaysa politikal nga kaayohan o interes,” pahayag ni Duterte sa bisaya.
(“Dahil sa mga ito, nagpapatuloy akong tumayo kasama sina Vice President Sara Duterte at Mayor Sebastian Duterte, na may paniniwalang dapat manaig ang katotohanan, hustisya, at batas kaysa sa politikal na interes.”) Tagalog translation
Hinangad ni Duterte na malutas ang mga hidwaan sa pamamagitan ng constitutional process, may pagsasaalang-alang sa katarungan at due process.
