PINABULAANAN ng Philippine National Police (PNP) na walang nationwide gun ban na ipatutupad sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27, 2026.
Ayon sa PNP, maling impormasyon ang kumakalat online tungkol sa umano’y malawakang pagbabawal sa pagdadala ng baril. Gayunman, mananatili ang pagpapatupad ng umiiral na batas at mga security protocol sa mga itinalagang lugar.
Mahigpit namang ipatutupad ng mga pulis ang restriksyon sa pagdadala ng baril at iba pang armas sa mga security areas para matiyak ang ligtas at mapayapang pagdaraos ng SONA.
Hinimok ng PNP ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa opisyal na mga channel at iwasang magpakalat ng hindi beripikadong balita.
