APAT na lalaki ang naaresto matapos masabat ng CIDG at iba pang law enforcement agencies ang 2,038 master cases ng umano’y smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱150.95 milyon sa Brgy. Busaon, Tagum City, Davao del Norte.
Isinagawa ang operasyon mula gabi ng Hulyo 21 hanggang Hulyo 22, sa pangunguna ng CIDG Davao del Norte Provincial Field Unit, katuwang ang CIDG Davao de Oro PFU, Coast Guard Intelligence Group Southeastern Mindanao (CGIGSEM), Bureau of Internal Revenue (BIR) Region XI, at mga yunit ng PNP.
Bukod sa mga sigarilyo, nakumpiska rin ang tatlong sasakyan na umano’y ginamit sa pagdadala ng mga kontrabando.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
