RETASONG tela ang ginawang kasuotan ni Sen. Imee Marcos sa pagdalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Hulyo 27.
Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag ng senadora ang kahulugan ng kanyang kasuotan.
“Ang damit ko puro retaso, parang bansa natin—gutay-gutay, hiwa-hiwa, biyak-biyak, tira-tira!” saad ni Imee.
Ibinahagi rin niya na luma at kupas ang kanyang bag, habang ang kanyang hikaw ay walang kapares. Nilagyan din niya ito ng mga larawan ng kanilang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
“Ang bag ko kumupas na nga, luma na, puro tira-tira, may earrings na walang kapares at nilagyan ko rin ng mga litrato ng aking ama na walang katulad,” dagdag pa niya.
Ayon sa senadora, ang kanyang kasuotan ay sumasalamin sa aniya’y pira-piraso at maraming suliraning kinahaharap ng bansa.
