MANININGIL na ng toll ang CALAX Subsection 3 mula Silang (Aguinaldo) hanggang Governor’s Drive sa General Trias, Cavite simula Agosto 9, 2026, matapos ang tatlong buwang toll-free operation.
Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), P35 ang bayad para sa Class 1, P70 sa Class 2, at P106 sa Class 3.
Para naman sa biyaheng Governor’s Drive hanggang Greenfield, Laguna, ang toll ay P117, P234 at P351 para sa Class 1, 2 at 3, ayon sa pagkakasunod.
Ang 7.88-kilometrong bahagi ay binuksan noong Mayo 4 at kasalukuyang ginagamit ng halos 9,000 motorista kada araw.
Sa pagbubukas nito, umabot na sa 26 kilometro ang operational length ng CALAX, na inaasahang makababawas sa trapiko at makapagpapabilis ng biyahe sa Cavite at Laguna.
