NAGPASOK ng not guilty plea sa Sandiganbayan nitong Miyerkules sina dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez at 6 na iba pa kaugnay sa kinakaharap na kasong graft na inihain laban sa kanila sa flood control project anomalies.
Bukod kay Hernandez, kabilang sa mga kinasuhan ang mga dating opisyal ng DPWH-Bulacan First District Office na sina Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, Niño Lawrence Morales, Juanito Mendoza, Floralyn Simbulan at Cristina Mae Pineda.
Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y pagkakasangkot ng mga akusado sa isang P77-milyong flood control project sa Balagtas, Bulacan na sinasabing hindi naman talaga umiiral.
Nahaharap ang mga akusado sa paglabag sa Section 3 ng Republic Act No. 3019, o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Samantala, nananatiling at large ang tatlo pang akusado sa kaso—ang dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at ang kanyang mga staff na sina John Paul Estrada at Mark Tecsay.
Nagpapatuloy ang proseso ng paglilitis sa Sandiganbayan Fifth Division kaugnay ng mga alegasyon laban sa mga akusado.
