UMABOT sa 210 indibidwal ang naaresto ng Laguna PNP sa isang linggong accomplishments laban sa illegal na droga at illegal na sugal kasama rin ang loose firearms at mga naarestong wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.
Ipinakita ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, nagawa ng kanilang hanay sa isang linggo simula Nobyembre 19-24, 2022 ay matagumpay na naisagawa ang Simultanous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO).
Sa nakalipas na isang lingo ay nagsagawa ang Laguna PNP ng Anti-illegal Drugs Buy bust Operation, Anti-illegal gambling Operation, Manhunt Operation at Loose Firearms Operation.
Sa anti-illegal drugs buy bust operation nagsagawa ang Laguna PNP ng 69 na operation at nakapag aresto ng 82 na indibidwal at nakumpiska nila sa mga naaresto ang hinihinalang illegal na shabu na may timbang na aabot sa 95.88 na gramo at marijuana na may timbang na 36 na gramo na may halagang Php 608,046.00 pesos.
Sa anti-illegal gambling operation ng Laguna PNP ay nakapagtala sila ng 51 na operation at nakapag aresto ng 78 na indibidwal at umabot naman sa Php 66,320.00 ang nakumpiskang pera.
Sa manhunt operation na isinagawa ng Laguna PNP ay nakapag aresto sila ng 10 Most Wanted Person at 35 na Other Wanted Person na may kabuuang naaresto na 45 na individual, apat sa mga naaresto ay Regional Level Most Wanted Person, 1 Provincial Level Most Wanted Person at 5 naman ay City/Municipal Level Most Wanted Person.
Samantala, sa Loose Firearm Operation naman na isinagawa ng Laguna PNP ay nakapagtala ng 5 operation at nakapag aresto ng 3 personalidad, habang kumpiskado naman ang 2 loose firearms at mayroon naming apat na surrendered firearms.
Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang Laguna PNP ay seryoso sa pagsugpo sa lahat ng uri ng kriminalidad sa lalawigan ng Laguna upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng mamayan.
