May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

Guro , arestado sa pagbebenta ng droga

Ni Alex dela Cruz

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang public teacher sa kinasang anti-illegal drugs buy bust operation ng Santa Cruz PNP noong Nobyembre 18, 2022 dahil da pagbebenta ng ilegal na droga.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas John residente ng Bay, Laguna.

Sa ulat ng Santa Cruz Municipal Police Station nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation noong Nobyembre 18, 2022 sa ganap na 1:45 ng madaling araw sa may M.H. Del Pillar St., Brgy. Poblacion 3, Santa Cruz, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang sixteen (16) piraso ng plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 1.9 gramo na may katumbas na halagang humigit kumulang Php 13,000, isang (1) plastic case, Php 500 pesos drug money, isang (1) unit motorcycle, at narekober naman sa suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Cruz MPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga akusado sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.