June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Aeta, natagpuang patay sa bulubundukin ng Tarlac

NATAGPUANG patay ang isang 75-anyos na Aeta nitong Linggo sa Sitio Baguingan sa Bgy. Anupul, Bamban, Tarlac.

Base sa ulat na nakarating kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., natukoy ang biktimang si Mario Victoria Sibal, ng Sitio Kawayan, Bgy. Maruglo, Capas, Tarlac.

Sa imbestigasyon ng pulisya , ang biktima at ang kanyang tatlong kasama na sina Eddie Carino, Recto Carino, at Emien Carino, lahat sila’y residente ng Bgy. Maruglo, ay umakyat sa “Tengal Biga,” kung saan nagpupunta para mangaso sa bulubunduking lugar ng Sitio Baguingan, Anupul, Bamban.

Iniwan ng kanyang mga kasama ang matandang lalaki, upang magpaapoy sa damo upang mangaso ng mga baboy-ramo.

Pagbalik ng tatlong kasama ay nakita ang biktima na walang malay at halos nasusunog mula sa apoy sa damo.

Ang mga kamag-anak ng biktima ay naniniwalang namatay ang matandang lalaki dahil sa sobrang init at kakulangan ng hangin.

Nagsasagawa naman ang Capas police ng autopsy upang kumpirmahin ang sanhi ng kanyang pagkamatay.