
TINANGHAL na Miss Philippines si AHTISA Manalo ng Quezon Province.
Nakatakda siyang kumatawan sa Pilipinas sa 74th Miss Universe pageant.
Tinalo ni Manalo ang 65 kandidato para sa korona sa Miss Universe Philippines 2025 finals na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Biyernes.
Dahil dito, siya ang ikaanim na nagwagi sa ilalim ng bagong organisasyon ng Miss Universe Philippines sa pangunguna ni Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida.
Si Manalo ang bagong Miss Universe Philippines. Ang kanyang hinalinhan ay si si Chelsea Manalo na idineklara ang kauna-unahang Miss Universe Asia sa nakaraang taon na edisyon ng Miss Universe pageant sa Mexico.
Kasama ni Ahtisa sa Top 6 sina Chelsea Fernandez ng Sultan Kudarat — na nanalo sa PINA Beauty Voting Showcase — Yllana Aduana ng Siniloan, Laguna; Winwyn Marquez ng Muntinlupa; Katrina Llegado ng Taguig; at Gabriella Carballo ng Cebu City.
Ang reigning Miss Universe Asia na si Chelsea Manalo ng Bulacan ay kinoronahan bilang kahalili niya.