June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

Aktibong kaso ng Covid-19 sa Calabarzon,pababa na

Ni: Alex dela Cruz

BUMABA ang aktibong kaso ng mga nagkakasakit ng Covid-19 sa sa Calabarzon (Cavite,Laguna,Batangas,Rizal at Quezon)  naitala kahapon ,araw ng Biyernes ayon sa Department of Health Center for Health Development (CHD) 4-A .

Umabot sa 5,079 ang aktibong kaso at  nasa 477  naman ang panibagong kaso

Nadagdagan naman ng 906 ang gumaling sa Covid-19 at anim (6) ang naitalang nasawi dahil sa naturang sakit.

Nangunguna ang lalawigan ng Laguna na may 2,176, aktibong kasong , sunod ang Cavite na may 1,433 kaso, sa Quezon 631,Rizal 521, Batangas 285 at Lucena City 33.