February 24, 2024

NIREKOMENDA ng Metro Manila Council MMC na ilagay sa Alert Level 1 ang National Capital Region NCR simula Marso 1 dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng corona virus sa bansa.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA officer -in-charge at General Manager Romando Artes, sama-samang nirekomenda ng 17 Mayor  ng NCR sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang kanilang napagkasunduan.

Bumaba na kasi  sa  4.64 porsyento ang positivity rate sa NCR ,mas mababa sa 5 porsyento na  itinakda ng  the World Health Organization (WHO).

Ito ay base sa nakalap ng Department of Health (DOH mula sa  mga local government units LGU).