June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

Amerikano, nag-amok ng 2 lalaki sa Angeles City

INARESTO ng pulisya ang isang Amerikano matapos mang-atake ng dalawang lalaki sa Angeles City, Pampanga.

Sa kanyang ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., sinabi ni Angeles City police director Col. Amado Mendoza na kinilala ang naarestong suspek na si Adnab Tariq Bhatty.

Ang mga biktima ay sina Dennis Reberta, 64, ng Claro M. Recto, Angeles City, at Chardie Esquejo, 29, ng Blk. 9, Lot 16-18, Sege St. Mansfield, Bgy. Sto Domingo, Angeles City.

Ayon kay Reberta, siya ay naglalakad sa Walking Street sa Bgy. Balibago nang lapitan siya ng suspek nang walang malinaw na dahilan at biglang inakbayan at sinaktanhanggang siya’y bumagsak sa lupa.

Nagtamo si Reberta ang mga sugat sa kanyang mga tuhod at balikat.

Habang dalawang miyembro ng Angeles City Tourist Auxiliary na sina Roldan Lopez, 23, at Joelex Canada, 30 ay agad na sumugod upang tulungan ang biktima kaya naman agad naaresto si Bhatty.

Ang mga miyembro ng city tourist auxiliary ay nag-turn over kay Reberta sa medical team ng Angeles City Disaster Risk Reduction Management Office para sa treatment at ang suspek sa pulisya.

Samantalang nasa lobby ng istasyon ng pulisya, si Reberta ay tinutulungan ni Esquejo nang biglang atakihin din ng suspek si Esquejo.

Dinala sina Reberta at Esquejo sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center para gamutin .

Sa body search sa suspek, natagpuan ng mga pulis ang isang zip lock na naglalaman ng tuyo na dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng hindi bababa sa Ph 448.00

Ang naarestong suspek ay sasampahan ng kaso ng slight physical injury at paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.