
UULANIN ang ilang bahagi ng bansa ngayong Undas dulot ng Tropical Storm na si Queenie na kumikilos patungong kalurang bahagi ng Philippine Sea , ayon sa PAGASA ngayong Martes.
Katamtaman hanggang may paglakas na pag-ulan sa Surigao del Norte ,Surigao del Sur , at Dinagat Islands.
Makakaranas naman ng mahina hanggang katamtamang lakas na may minsang pagbugso na pag-ulan sa Eastern Visayas, Davao Oriental, at ilang bahagi ng Caraga region.
Posibleng maging sanhi ng landslide ang pagbaha at ulan sa ilang delikadong lugar ,ayon pa sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) .
Huling namataan si queenie sa 430km .silangang timog -silangan ng Hinatuan ,Surigao del Sur.Mayroong maximum sustained winds na 65kph malapit sa sentro, at may bugso na na aabot sa 80kph.
Ang TS ay maaring magdulot ng delikadong paglalayag sa maliliit na bangka dahil sa masamang panahon . Inaasahang hihina ang Tropical Storm na maging tropical depression na lamang ngayong araw , hanggang sa maging low pressure na lamang sa darating na Huwebes.