ATM sa loob ng supermarket ninakawan, 300k natangay

Ni Alex dela Cruz

LAGUNA- Sinalakay ng apat na kawatan ang isang ATM o Automated Teller Machine sa loob ng commercial establishment sa lalawigan ng Laguna nitong araw ng kapaskuhan.

Sa ulat na nakarating kay Laguna Provincial Director  Police Col.Randy Glenn Silvio , natuklasan  ni Glenje Opeña,51 anyos, store manager ng Puregold  Commercial complex sa Barangay  Balibago ang pangyayari

Bandang alas 7:30 ng umaga nang mapansin ni Opeña na wala na sa tamang lugar o orihinal na posisyon  ang ATM machine ng Metrobank .

Nang kanya itong lapitan na distrongka na ito gamit ang matigas na bagay upang makuha ang cash.

Napansin din ang isang butas sa pader na hinihinalang dinaanan ng mga kawatan kaya mabilis silang nakatakas.

Agad na kinihaan ng pahayag ang mga sekyu sa lugar at ayon sa isa sa kanila ay sinabing depektibo ang alarm system .

Tinatatayang 300,000 piso ang halagang nanakaw sa ATM at sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pangyayari.