NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport ang isang pasaherong Australian national na nag tangkang magpuslit ng droga na naglalaman ng ang humigit-kumulang 4,008 gramo ng methamphetamine na tinatayang may halaga na ₱27,254,400 na itinago sa hand-carry baggage sa Pasay City.
Natimbog ng BOC-NAIA, PDEA, at ng NAIA Inter-Agency Drug Task Group (NAIA-IADTG), ang pasahero na dumating noong ika-19 ng Pebrero 2026 na may dalang droga at agad na inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at kasalukuyang sumasailalim sa mga paglilitis sa inquest at prosekusyon.
Binigyang-diin ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na ang patuloy na pagpapatupad at kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ay nananatiling mahalaga sa pagpigil sa mga international airport na mapagsamantalahan ng mga network ng drug trafficking.
Nananatiling nakatuon ang Bureau of Customs sa pagpapanatili ng mahigpit na kontrol sa border at mapanatili ang seguridad sa bansa.
