
INARESTO ng Makati Police ang batang komedyanteng si Awra Briguela nitong nakaraang Huwebes ng umaga sa Bolthole Bar sa Poblacion, Makati City.
Kinakaharap nito ang mga kasong ng physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, and direct assault ng mga nagreklamo sa kanya kabilang ang isang nag nagngalang Mark Christian Ravana.
Ayon umano kay Mark ay pinipilit siyang maghubad ni Awra at taliwas naman ito sa mga naglalabasang post ng kaibigang babae ng batang comedian na si Zayla Nakajima.
Sinabi ni Zayla, dinepensahan lang siya ni Awra kay Ravana na nanghipo raw sa kanya na hindi lamang isang beses kundi dalawa pa .
‘Yung una raw ay nu’ng hawakan ni Ravana ang butt ni Zayla at pagkatapos ay in-squeeze pa.
Ang pangalawang beses at pinakamatinding pambabastos para kay Zayla na ginawa ni Ravana ay nang sinubukan nitong ipasok ang kamay sa loob ng bra ng kaibigan ni Awra.
Kaya naman ito ang naging rason ng pagkakadawit ni Awra sa naturang gulo ay dahil sa kanyang mga kaibigan.
Ito na ang naging dahilan ng pagkakagulo nila sa isang resto bar sa Makati.