PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng mga kalalakihan ang isang babae nagtatrabaho sa isang carinderia noong Biyernes sa Porac, Pampanga.
Ayon sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., tinukoy ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal ang biktima bilang si Lucila Canilao, 42 taong gulang, isang food attendant at residente ng Hacienda Dolores, Porac, Pampanga.
Lumalabas sa imbestigasyon na abala ang biktima sa pagtatrabaho sa Barcia Carinderia na matatagpuan sa Bgy. Hacienda Dolores, Porac nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima sa ulo.
Tumakas ang gunman gamit ang isang Mio motorcycle patungo sa SCTEX access road.
Agad na dinala ang biktima sa Jose Songco Lapid District Hospital ngunit idineklara dead on arrival .
Nagsagawa ang pulisya ng isang flash alarm at dragnet operation para sa posibleng pagkakakilalan at pag-aresto sa mga suspek.