
NASAWI ang isang 24-anyos na babaeng naka-backride habang sugatan naman kanyang live-in partner matapos iwasan ang paparating na truck sa Mayuwi Road sa Tayabas ,Quezon.
Sa ulat ng mga awtoridad,tumilapon si Maria Floressa Adarayon ,24 anyos habang ang driver ng motor ay nakilalang si Sem Barbacena ,27 anyos na parehong residente ng Cavite.
Lumalabas sa imbestigasyon na patungo sa Lucena City ang mga biktimang nang iwasan ng mga ito ang kasalubong na paparating na truck .
Dead on arrival si Adarayon habang nagpapagaling naman sa pagamutan si Barbacena.