Photos from RPPO
TIMBOG ang dalawang katao na nanloloob sa mga convenience store makaraang sitahin ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsusuot ng facemask sa Binangonan, Rizal.
Kinilala ni Rizal Provincial Police Director Col.Dominic Baccay ang mga suspek na sina Moneth Aguado Landicho at Marlo Jun Laureno.
Ayon sa ulat,nakasalubong ng dalawang pulis noong Martes si Landicho na walang suot na facemask na naglalakad sa kahabaan ng Barrio Road ,Barangay Tayuman dakong alas 7 ng gabi .
Biglang paptinakbuhan nito ang mga pulis papalayo at sinalubong ni Laureno upang iligtas .
Agad na inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek at tiningnan ang kanilang mga dalang itim na bag .
Tumambad ang isang cal.38 revolver na baril sa pulis na may kasamang papel na may nakasulat na Bigay ninyo ang pera walang sisigaw kung ayaw mamatay automatic may mangyayari .
Sa rekord ng mga pulisya,napag-alamanan na ang dalawang suspek ay mga tirador ng 7-11 convenience store sa Binangonan at sa karatig bayan.
Mahaharap sa kasong robbery hold-up ang mga suspek kabilang na ang paglabag sa Omnibus Election Code ng COMELEC.