NASAWI ang tatlong menor de edad, kabilang ang isang sanggol, nitong Biyernes ng madaling araw dahil sa sunog na tumupok sa isang bahay sa Bulakan, Bulacan.
Ang mga nasawi ay kinilala ng mga awtoridad na sina Yara, 16; Yani, 14; at Jay, isang taong gulang, pawang residente ng Purok 2, Bgy. Bambang sa Bulakan,
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima kung saan naipit ang mga ito sa loob ng nasusunog na bahay.
Wala ang ina ng mga biktima dahil nasa trabaho ito nang mangyari ang sunog.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni FO1 Mike Anthony S. Cabrera para maapula ang apoy.
Habang nag-iimbestiga na ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog.
