May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Bakunahan sa LRT2-Antipolo Station,simula na

PARA mas mapabilis ang pagbabakuna kontra Covid-19 , binuksan na  ng lokal na pamahalaan ng ang LRT 2-Antipolo Station ngayong araw , Pebrero 23.

Ipinabatid sa publiko ni Mayor Andrea Ynares sa social media ang  kanyang paanyaya na bukas ang naturang vaccination site tuwing Miyerkules at Biyernes , simula alas 8 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon para sa mga pasaherong edad 18 taong gulang pataas.

Mga bakunang Astra Zeneca at Janssen ang gagamitin sa naturang vaccination sites.

Sa mga nagnanais na magpabakuna ay maaring  magparehistro muna  sa pamamagitan ng online (https:antipolobantaycovid.appcase.net)