
DALAWANG mangingisda ang nailigtas matapos lumubog ang kanilang bangka makaraang naggain di-umano ng balyena sakaragatan malapit sa Barangay Cantagda, Cajidiocan, Romblon ng hatinggabi ng ika-01 ng Pebrero 2024.
Nakatanggap ang mga tauhan ng CGSS Cajidiocan ng tawag mula kay Gng. Jackielou Blanco ng Cajidiocan na nagpapaalam na ang asawa ng isa sa kanyang kasama lulan ng motorbanca malapit sa nasabing barangay na nangangailangan ng tulong.
Agad na isinagawa ang search and rescue operation ng Coast Guard Sub Station Cajidiocan at matagumpay na natagpuan ang dalawang mangingisda sa isang hindi pinangalanang motorbanca na pintadong berde at pula ang kahoy.
Nakilala ang dalawang indibidwal na sina G. Edgardo Lozano, 60 taong gulang at G. Harry Lozano, 51 taong gulang, parehong naninirahan sa Brgy Maragondon, Cajidiocan, Romblon, na parehong nasa maayos na kalagayan.
Ang dalawang indibidwal ay dinala sa bangka ng SAR team at patungo sa baybayin ng Brgy Danao, Cajidiocan. Samantalang inihila ang kanilang lumubog na bangka ng Fishing banca na “John Glemen.”
Ang Coast Guard ay tumulong sa ligtas na pagbalik ng mga indibidwal sa kanilang mga tahanan.