NATAGPUAN ang isang patay na lalaki na nakabalot sa puting kumot at nakatali pa ng extension wire saka itinapon malapit sa isang bahay sa Angeles City, Pampanga noong Huwebes .
Agad na tinungo ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng wala ng buhay na lalaki malapit sa isang bahay sa North Ville 15, Bgy. Cutud.
Agad na kinuha ng Angeles City Scene of the Crime Office team ang katawan ng bangkay upang alamin ang pagkakakilanlan ng biktima.
Kaya naman nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kung sino ang may-ari ng bahay habang patuloy ang imbestigasyon.