NATAGPUAN ng mga Philippine Coast Guard (PCG) rescuers ang isang bangkay sa kasagsagan ng kanilang operasyon sa Zone 5, Libon, Albay, kahapon, ika-23 ng Oktubre 2024.
Palutang-lutang ang bangkay nang makita ng mga rescuers kung saan ay inaalam pa ang pagkakakilanlan nito.
Ayon sa inisyal na ulat ng Coast Guard District Bicol (CGDBCL), nalunod ang residente sa kanilang tahanan na lumubog sa baha.
Agad namang nakipag-ugnayan ang PCG sa lokal na pamahalaan upang mabigyan ng karagdagang tulong ang naiwang pamilya ng bangkay.