NAGSISIYASAT na ang mga otoridad makaraang pagbabarilin sa loob ng bahay ang isang 53- anyos na barangay captain sa San Joaquin , Iloilo nitong Huwebes ng madaling araw.
Tinukoy ng pulisya ang napaslang na biktimang si Richard Sapalo na barangay captain ng Ginot-an ng nasabing bayan.
Base sa ulat ng mga otoridad na bandang alas-10 ng gabi nitong Miyerkules nang umuwi ng bahay ang biktima ngunit bandang alas-2 ng madaling araw ay nakarinig ang kanyang mga kaanak ng malakas na tunog na inakalang may nahulog lamang na bagay .
Nang kanila itong siyasatin ay agad na tumambad ang duguang katawan ni Sapalo na may tama ng baril sa bibig at tiyan.
Lumalabas sa imbestigasyon na sa likod ng bahay ng biktima dumaan ang di nakikilalang suspek kaya’t dumiretso kaagad sa kwarto na walang lock ang pintuan.
Matatandaa ding nakatanggap ng banta sa buhay si Sapalo noong buwan pa ng Enero mula sa isang boses sa radyo.
