MAHIGIT sa 600 indibidwal na walang tirahan ang nabigyan ng tulong ng bagong lunsad ng pamahaalan na Pag-Abot Processing Center sa Cebu .
Prayoridad na mga benipesaryo ng mga naitala ng Department of Social Welfare and Development na tulungan ang mga pamilya at indibidwal na nasa lansangan.
Ang programa ay nagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan, pagkain, damit, suportang psychosocial at pangkabuhayan, pansamantalang pabahay, at muling pagsasama ng pamilya upang matulungan ang mga benepisyaryo na makaangat sa matatag at marangal na buhay.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Huwebes ang paglulunsad ng, na muling pinagtitibay ang pangako ng gobyerno na tulungan ang mga taong naninirahan sa lansangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan, tulong pangkabuhayan, suportang psychosocial, pagkain, damit, pansamantalang pabahay, at iba pang mga interbensyon upang mapabuti ang kanilang buhay.
Katuwang rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa at Department of Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na yunit ng pamahalaan, ay nakikipag-ugnayan sa mga pamilyang nasa mga sitwasyon sa kalye upang matiyak na sila ay maisasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program at iba pang mga inisyatibo sa pangangalagang panlipunan, sa ilalim ng Pag-Abot Program na inilunsad noong 2023 at kalaunan ay itinatag noong 2024.
Kabilang sa mga panauhin sa pagbisita ni Pangulong Marcos ay sina DSWD Secretary Rex T. Gatchalian; Tourism Secretary Christina Frasco, Cebu 5th district Representative Vincent Franco Frasco; Liloan Mayor Aljew Fernando Frasco, at Vice-Mayor Margarita Frasco.
